News5, binabatikos dahil sa pagpapalabas ng mugshot at HIV status ng mga suspek sa Taguig drug raid
Bagong kontrobersiya na naman ang kinakaharap ngayon ng News5 matapos ilabas ang mga mugshot at HIV status ng mga suspek sa ginanap na drug raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig nitong Lunes.
Ipinost ng News5 ang larawan ng mga sangkot sa drug raid sa kanilang Facebook page, pero tinanggal rin ito matapos ang ilang oras.
Pinagbabawal sa batas ang pagpasapubliko ng HIV status ng isang indibdwal. Binabatikos rin ang pag-post ng News5 dahil sa pinapalabas nitong stigma na kumakalat ang HIV sa LGBT community.
Nag-viral naman ang post ng LGBT advocate na si Mikhail Quijano kung saan tinalakay niya ang maling ginawa ng News5 pati na rin ng PDEA sa insidente.

No comments