Indie actor Eugene Tejada, inaresto dahil sa pagkakapatay sa supervisor
Arestado ang 29-anyos indie actor na si Eujene Tejada matapos umanong atakihin ang isang office supervisor sa loob ng isang supermarket sa San Mateo, Rizal.
Ayon sa mga otoridad, nangyari ang insidente 6:30 ng gabi noong Miyerkoles, Nobyembre 22, sa loob ng comfort room sa Puregold branch sa Banaba.
Pinagbintangan umano kasi ng live-in partner ni Tejada na si Mary Jana Malilin ang biktimang si Frenil Bautista na hinipuan siya sa loob ng supermarket.
Kaya naman kinompronta ni Tejada si Bautista hanggang sa nabasag ang bungo ng biktima.
“Na-misinterpret niya siguro na hinipuan siya,” panayam ng Abante Tonite sa bayaw ng biktima na si Fernan Marasigan.
“I swear to my father’s grave. Hinding-hindi niya magagawa ang mangbastos ng babae. Binata pa lang ‘yan kilala ko na ‘yan. Sobrang bait. Sobrang tahimik at disenteng tao. Hindi ko pa nakitang nagalit ‘yan o nagmura o sumimangot.”
Inamin naman ni Tejada ang ginawang pag-atake kay Bautista. Desidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban kay Tejada.
Matapos naman ang dalawang araw sa Marikina Valley Medical Center, tuluyan nang binawian ng buhay si Bautista.
Sumikat si Tejada matapos gumanap sa iba't ibang indie films tulad ng "Kubli."
No comments