Breaking News

Mga Koreanovelas ng GMA Network sa 2018

Patuloy na patutunayan ng GMA Network na sila ang “Heart of Asia” sa Koreanovela offerings nila sa 2018.

Mapapanood na sa Kapuso network ang “Bride of the Water God”, “While You Were Sleeping”, at “Love in Trouble.”

Love story ng isang Water God at human servant ang tampok sa “Bride of the Water God.”

Magsasama naman ang isang babaeng nakakakita ng mga aksidente sa hinaharap at isang prosecutor na pipigilang mangyari ang mga aksidenteng ito sa “While You Were Sleeping.”

Period drama tungkol sa Crown Prince na si Lee Sun at ang laban niya sa isang malaking organisasyon na Pyunsoohwe ang kwento ng “Ruler of the Mask.”


Sa “Love in Trouble” naman, tutuklasin ng isang prosecutor at ang kanyang trainee ang isang kakatwang kaso tungkol sa isang psychopath murderer.

No comments