Breaking News

Xander Ford, binigyan ng “taning” para magpakita sa talent agency

Pagkatapos maiulat na nawawala, binantaan ng Star Image Artist Management si Xander Ford na magpakita sa kanila bago mag-5PM ngayong araw.

Sa Facebook page ng talent agency, maaaring managot si Xander Ford, o Marlou Arizala sa totoong buhay, dahil sa hindi pagtupad nito sa kontrata.

Dagdag ng talent agency, dalawang beses na raw hindi sumipot si Xander: noong Huwebes sa isang concert sa Rizal, at nitong Biyernes sa Sta. Cruz, Laguna.

Nagbigay rin ng mensahe ang ina ni Xander na si Merly. Sa isang video, pinagsabihan niya ang kanyang anak na tuparin ang kanyang kontrata sa kanyang manager.

Unang lumabas na nawawala si Xander noong November 24. Matapos ang ilang oras, naglabas ng video si Xander at sinabing nagpapahinga lamang ito.

No comments