Breaking News

Babalik pa ba si John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home?

Ilang linggo nang nague-guest si Piolo Pascual sa programang “Home Sweetie Home” para punan ang pagkawala ni John Lloyd Cruz sa sitcom. Matatandaang nag-indefinite leave of absence ang aktor.

Ayon sa direktor, hindi niya alam ang mga susunod na mangyayari sa programa.

“Actually, hindi ko alam talaga. Ang alam ko, nag-leave si Lloydie. Parang gusto niyang mag-break,” sabi ni Direk Edgar “Bobot” Mortiz.

“Magkakaroon ng break sa career niya so ngayon tuloy-tuloy pa lang kami.”

“Doon sa istorya niya na nagbakasyon muna siya, may seminar siya.”

“Hindi namin alam kung ano ang magiging decision ni Lloydie. Pero siyempre, matutuwa kami kung babalik siya sa show dahil sayang din yung show namin. Mag-aapat na taon na.”

“Kung kailan buong-buong na ang istorya, buong-buo na ang pamilya namin. Sayang kung mapuputol naman. So ‘yun, sana bumalik si Lloydie.”

Sakaling mawala na talaga si John Lloyd, ito ang gagawin ng production staff.

“Siguro babaguhin lang namin ang istorya. Hihintayin namin yung sasabihin na ni John Lloyd na hindi na siya babalik.”


“Siguro babaguhin namin ang istorya or depende sa management kung itutuloy pa nila ang Home Sweetie Home o maghahanap ng kapalit.”

Interview excerpts courtesy of PEP.ph

No comments