Breaking News

GMA 7, may tatlong reality competitions sa 2018

Dalawang bagong singing competitions at bagong season ng StarStruck ang magpapaligaya sa mga Kapuso ngayong 2018!

Unang pasabog ng GMA 7 ang singing contest na “Center Stage” kung saan kailangan ma-impress ng mga kalahok ang judges para makapunta sa center stage at manalo sa kompetisyon.

Magkakaroon naman ng bagong singing competition si Regine Velasquez-Alcasid. Pinamagatan itong “The Clash” dahil magtatapatan ang mga “undiscovered vocal talents” hanggang sa isa na lang ang matirang matibay.

Magbabalik naman ang artist search na “StarStruck” para sa ikapitong season nito. Pakaabangan naman kung saan at kailan gaganapin ang mga auditions.

No comments