Breaking News

Ryan Bang, may offer na variety show sa Korea

Ayon sa “It’s Showtime” host na si Ryan Bang, may offer siyang natanggap kung saan iniimbitahan siyang maging parte ng isang variety show sa South Korea at pinag-iisipan niya kung tatanggapin niya ito.

Sa balita ng Abante Tonite, pag-uusapan pa raw ng kanyang agent ang magiging plano.

“Hindi ko pa rin iiwan ang Philippines, hindi ko kaya ‘yun, e. Dati may offer, tinanggihan ko. Pero ngayon may offer, tanggapin ko na,” sabi ni Ryan Bang sa Abante Tonite.

“Maganda rin opportunity na makilala rin ako sa Korea. Dala ko rin ang pangalan ng Philippines.”

Mahigit isang dekada na si Ryan Bang sa Pilipinas. Simula nang mabilang sa Pinoy Big Brother: Teen Edition, naging cast na siya ng iba’t ibang programa tulad ng “Banana Sundae.”

No comments