Breaking News

Miss South Africa crowned as Miss Universe 2017

Wagi ang 21-anyos na si Demi-Leigh Nel-Peters sa ginanap na Miss Universe 2017 sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada nitong Linggo.

Pumangalawa naman si Miss Colombia Laura Gonzalez, habang kinoronahang second runner-up si Miss Jamaica.

Kakaiba ang naging format ng Miss Universe ngayong taon dahil hinati sa geography ang pag-announce sa Top 16: sa Americas, Europe at Africa and Asia Pacific. Apat ang binanggit na napasali sa bawat category, habang ang natitirang apat naman ay wildcard picks.

Nagsilbing judge sa 92 candidates sina Wendy Fitzwilliam, Megan Olivi, Lele Pons, Jay Manuel, Ross Matthews at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Tumayong presenter si Steve Harvey sa pangatlong pagkakataon. Kasama niya sina Ashley Graham, Carson Kressley at Lu Sierra.

No comments